Advertisers
Nahaharap sa kaso ang isang drug suspect nang lumabag sa Section 5 (Sale) and Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
Sa ulat, 11:20 ng gabi ng Martes ng maaresto sa M. Naval St., Brgy. Sipac Almacen, Navotas City ang suspek na si Aldrian Jocson y Latagan, 21 , ng Bangus St., Brgy. Tangos North, Navotas City.
Nakumpiska sa suspek ang shabu na may 52.0 grams na may standard drug price na P353,600.00.
Sa ulat, ikinasa ang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU, NCPS/, na pinamumunuan ni PCapt. Luis C Rufo, sa direktang superbisyon ni Chief of police PCol Allan B Umipig, at sa koordinasyon sa PDEA , makaraang makatanggap sa impormante ng mga iligal na aktibidad ng suspek.
Agad na inaresto ang suspek nang makabili ang poseur buyer ng P12,000 halaga ng droga at nakatakdang sumailalim sa inquest procedure sa piskalya ng Navotas.(Beth Samson)