Advertisers
MULING matutunghayan ang veteran Filipino fighter Danny Kingad sa ruweda sa Oktubre.
Ang ranked third sa ONE Championship’s flyweight ratings, Kingad ay makakasagupa ang mapanganib na “Wolf Warrior” Hu Yong, sa ONE Fight Night 15:: Tawanchai vs. Superbon sa October 7 sa loob ng Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand
Inaasahan ng 27-year-old ang all-out war laban sa Chinese heavy hitter, pero kumpiyansa na meron siyang sapat na armas para tapatan ang kanyang mabangis na kalaban.
“I’m excited. I know Hu Yong is a very skilled and dangerous fighter, so I’m doing everything to prepare for him and what he plans to do,” Wika ni Kingad.
“I’m confident in my skills, and I’d love to test myself against him.”
Si Hu ay namamayagpag, nagwagi ng tatlo sa kanyang huling apat na laban kabilang ang impresibong knockout win laban sa teammate ni Kingad at dating ONE Flyweight world champion Geje “ Gravity” Eustaquio.
Sa main event, ONE Muay Thai Featherweight World Champion Tawanchai PK Saenchai ay depensahan ang kanyang strap laban sa dating kickboxing King Superbon Singha Mayynn na isa sa inaasahan na laban ngayong taon.