Advertisers
NATAGPUAN na ang labi ng isang Oversea Filipino Worker (OFW) na pinutol-putol na unang naiulat na nawawala sa Bacoor City, Cavite nitong Miyerkoles ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Napoleon Fernandez, nasa tamang edad, ng Brgy. San Nicolas 1, Bacoor City.
Nagtapuan nakasilid sa apat na sako ang chop-chop na katawan ng biktima.
Nadakip naman ang salarin na si Romnick Bombeo, 30 anyos, construction worker, ng 1309 Espiritu Compound, Brgy. Zapote-Las Piñas, Las Piñas City.
Ayon kay PSSG Kelvin Kenneth Casaman, may hawak ng kaso, 10:45 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakasilid sa 4 sako sa Tirona Highway, Neverland, Brgy Habay 1, Bacoor City.
Nabatid na humingi ng tulong ang kapatid ng biktima na si Danilo Fernandez, 64, ng 239 Brgy. San Isidro, Talisay, Cebu City, upang ipabatid na nawawala ang kanyang kapatid mula July 7, 2023.
Nitong Martes (Aug 8) ng madaling araw, nagtungo ang mga otoridad at barangay official sa bahay ng biktima kungsaan inabutan ang salarin na nagsisilbing house keeper ng biktima. Habang ini-interview at tinatanong ng mga otoridad, napansin ang dala-dala nitong itim na backpack.
Pinabuksan ng mga otoridad kay Missiona ang nasabing backpack at tumambad ang iba’t ibang dominination ng pera na umabot sa P4,926,100 na may 3 gold bracelets, 3 gold chains, 1 gold ring, 2 relo, 2 Samsung flip phones, wallets at iba’t ibang I.D. ng biktima.
Habang sumasailalim sa imbestigasyon, umanim si Missiona sa ginawang pagpatay at pag-chop-chop sa biktima at itinapon sa isang creek.(Mark Obleada/Irine Gascon)