Advertisers
HINAHANAP ngayon ng pulisya ang magkapatid na lalaki na tinangay ng isang puting van sa Wawa, Batangas City.
Kinilala ang mga dinukot na sina Herminio Mallorca Jr. at Joey Mallorca.
Sa ulat, nawawala ang magkapatid na lalaki nang dukutin ng mga lalaki na sakay sa isang puting van sa Barangay Wawa, Batangas City, August 2 ng gabi.
Ayon sa Batangas City Police, nitong Lunes ng gabi nagtungo sa police station ang kapatid na babae ng mga biktima na si Alma Tabontabon upang i-report ang pagkawala ng dalawa niyang kapatid.
Sinabi ni Alma, 9:30 ng gabi ng August 2, nasa loob ng kanilang bahay ang kanyang mga kapatid na sina Herminio at Joey nang may pumaradang puting Toyota Hi-Ace van sa harap ng kanilang bahay.
Bumaba mula sa van ang mga hindi nakilalang lalaki at sapilitang isinakay sina Herminio at Joey. Mula noon hindi na nakita ang dalawa.
Nagsasagawa ng imbes-tigasyon ang pulisya at tinutunton ang may ari ng puting Toyota Hi-Ace van (AAA 4105).