Advertisers

Advertisers

Heaven pagod na sa papalit-palit ng dyowa

0 148

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NOONG nagkasama sina Heaven Peralejo at Marco Gallo sa Pinoy Big Brother noong 2016, hindi nila inakala na darating ang panahon na magkakatrabaho sila.
Katunayan, sinabi noon ni Heaven na di niya type makatrabaho ang Fil-Italian actor.
Pero nagbago raw ang lahat nang magkasama sila sa isang proyekto na “The Rain in Espana.”
Katunayan, na-develop daw ang kakaibang friendship nila ng love team partner sa course ng kanilang pakikipag-work sa isa’t isa.
Sa opinyon nga ng kibitzers ay magdyowa na ang galawan ng dalawa.
Ayon naman kay Heaven, masaya siya na nabigyan siya ng pagkakataon na mas makilala pa si Marco.
Sa ngayon, itinuturing daw niyang espesyal sa kanya ang actor.
“We continue to inspire each other. We allow each other to grow. Nagtutulungan kami sa trabaho. Grateful ako na naging close kami, lalo na’t halos everyday kaming nagkakasama… and I’m glad na maganda iyong relationship namin,” ani Heaven.
Tungkol naman sa estado ng kanilang relasyon, ayaw daw niyang bigyan ng label ito.
Sa kanya kasing nakaraang relationships, hindi nakabuti na naging very open siya sa aspeto ng kanyang lovelife sa publiko.
“’In the past, naging open ako sa public about may relationships na hindi maganda ang naidulot. It took a toll on my mental health kasi naging traumatic siya,” aniya. “So parang ngayon, mas gusto ko namang protektahan kung ano pa ang meron sa personal life ko, “ dugtong niya.
Aniya, kung ano raw ang nakikita sa kanila ni Marco, bahala na ang mga taong mag-isip.
Kumbaga kung ano man ang meron sa kanila ng Fil-Italian actor, gusto muna niyang sarilinin sa ngayon.
“Kung ano lang sana ‘yung mga nakikita ng tao, iyon lang iyon. What you see is what you get. So sana, irespeto na lang nila kung ano iyong gusto naming ilabas sa ngayon,” sey niya.
Hirit pa niya, kung papasok man daw siya sa panibagong relasyon, bet daw niya ay iyong pangmatagalan na.
“Kung papasok ako sa relationship, siyempre gusto ko ‘yung pangmatagalan na. Iyong for keeps na. Kasi, nakakapagod din ‘yung iba-iba o yung papalit-palit (ng karelasyon),’’ paliwanag niya.
Ayaw din niyang magmadali pagdating sa pag-ibig dahil naniniwala siyang darating din ang tamang lalakeng hinahanap niya.
“It’s hard to rush things when it comes to relationships. Kung hindi nag-work, it’s emotionally and mentally exhausting. So, para sa amin, kung ano man ang meron kami, we just want to make it right. We’re taking our time, there’s no rush,” bulalas niya.
Sina Marco at Heaven ay tampok sa pelikulang “The Ship Show” na kasalukuyang palabas na sa mga sinehan sa buong bansa.
Mula sa produksyon ng Viva Films at sa direksyon ni Jason Paul Laxamana na na-diagnose na may Asperger’s syndrome, ang romantic comedy ay tumatalakay sa kuwento ng anim na pares ng participants na sumali sa isang reality show para sa paghahanap sa magiging next big love team ng bansa.
Bukod kina Marco at Heaven, kasama rin sa cast sina Rabin Angeles, Bianca Santos, PJ Rosario, Angelic Guzman, Janine Teñoso, Migo Valid, Madeleine Red, Martin Venegas, Ashtine Olviga, at Tomas Rodriguez.