Advertisers

Advertisers

Estudyanteng may intellectual disability, dinukot at ginahasa

0 108

Advertisers

KULONG ang isang lalaki nang dalhin niya sa kaniyang bahay at paulit-ulit na gahasain ang 19-anyos na estudyanteng may intellectual disability sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Melvin Mandac, 34 anyos, nadakip sa follow-up operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District Station 14 sa tinutuluyan niyang bahay.

Hinalay ng suspek ang biktima na isang Grade 7 student at may problema sa pag-iisip.



Sinabi ng pulisya na nagkakilala ang dalawa sa isang dating site at nagkasundo na magkita sa isang gasolinahan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Pinilit isama ng suspek ang biktima sa Cavite, at minolestiya ito mula Agosto 1 hanggang 5 ng tatlong beses sa isang araw, ayon sa pulisya.

Dumulog ang mga kaanak ng dalaga sa pulisya, iniulat na nawawala ito.

Nag-post din sila sa social media, hanggang sa may nag-private message sa kuya ng biktima na nasa kanilang lugar ang dalaga.

Ini-report ito ng pamilya sa pulisya.



“May pagkakamali rin po ako kasi sinamantala ko ‘yung pagka ano ng isip niya. Pero bugso lang po ng pagmamahal kaya ko po nagawa ‘yon. Nagpakita ako sa kaniya nang hindi alam ng magulang. Meron po [kaming relasyon], hindi naman po ako magpapakita sa kaniya kung wala kaming relasyon. Pero nagkaka-video call po kami,” sabi ni Mandac.

Itinanggi ng biktima na may relasyon sila ng suspek, na mahaharap sa reklamong rape at consented abduction.