Advertisers

Advertisers

Clarkson sumabak na sa ensayo ng Gilas Pilipinas

0 166

Advertisers

SUMABAK na sa ensayo si Filipino-American NBA player Jordan Clarkson kasama ang Gilas Pilipinas.

Sinabi ni Gilas chot Chot Reyes na nais nilang magkaroon agad ng magandang ugnayan ang mga manlalaro nito ilang linggo bago ang pagsisimula ng FIBA Basketball World Cup.

Dagdag pa nito isang pagsubok ngayon kung agad na makapag-adjust si Clarkson sa mga laro na ipinapatupad ni Reyes.



Naniniwala ito na madaling makahabol si Clarkson kahit na hindi nila nakasama ito sa ilang ensayo na ginawa ng national basketball team.

Magugunitang nitong Martes ay magkasunod na dumating sa bansa si Clarkson ang Gilas Pilipinas mula sa isinagawang pocket tournament sa China kung saan mayroon silang tatlong panalo at isang talo.