Advertisers

Advertisers

China nais hatiin ang Spratly islands sa WPS

0 154

Advertisers

IBA naman ngayon ang gustong mangyari ng China sa mga bahura na sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Maghati nalang sila ng Pilipinas!

Kapag pumayag si Pangulong “Bongbong” Marcos sa hirit na ito ng gobyerno ng China, tiyak mai-impeach siya. Labag ito sa Konstitusyon ng Pilipinas. Mismo!

Oo! Tiyak na hindi papayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP), ang Kongreso, lalo na ang mamamayan ng Pilipinas na isuko sa China ang kalahati ng karagatan ng Pilipinas sa WPS.



Isang kagaguhan ang hirit na ito ng China. Mismo!

Anyway, kamakailan ay sinabi ni Pangulong “Bongbong” Marcos na kahit katiting na bahagi ng Pilipinas sa WPS ay hindi niya ibibigay kahit kaninong bansa. Dapat!

Ang mungkahi na ito ng China na maghati sa WPS ay kasunod ng pag-alma ng mga senador sa nangyaring panghaharang ng China militia vessels sa mga barko ng Pilipinas at pagbomba ng water cannon sa supply boat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Ayungin Shoal noong Agosto 5, 2023.

Bago pa ito ay binulag ng China Coast Guard (CCG) ng military-grade laser ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard na nagpapatrolya sa Spratly Islands noong Pebrero.

Na dahil sa mga pangyayaring ito ay gusto ng mga senador sa pamumuno ni Senate President Miguel Zubiri na iboykot na ang mga produktong China at i-ban ang Chinese contractors sa mga proyekto sa Pilipinas tulad ng paggawa ng tulay, kalsada at communication facilities.



Sa pagdinig sa senado, nabulgar pa na ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ay nagpapadala ng mga opisyal para magsanay sa China military academy, kungsaan sagot ng China ang mga gastusin.

Gusto mangyari ni Senador Raffy Tulfo na tigilan na ng gobyerno ang pagpadala ng mga opisyal ng AFP at PNP China military academy. Isa raw itong malaking kalokohan. Mismo!

***

Ang gusto pa mangyari ngayon ng China ay alisin ang BRP Siera Madre na nakabara sa Ayungin Shoal. Kanila daw ang shoal.

25 years ago ay nangako raw ang Pilipinas na alisin sa lugar ang bumarang barko. Pero hindi raw ito tinupad ng Pilipinas!

Ang sagot ng administrasyong ni Pangulong Marcos: Kailanman ay hindi sinabi ng Pilipinas na alisin ang nakabarang BRP Siera madre sa Ayungin Shoal. Permanente na raw ito roon, at himpilan ito ng ating mga sundalo. Dapat!

***

Nag-alok ang US government na magkaroon ng joint patrol ang Pilipinas at US Coast Guard sa West Philippine Sea.

Sinabi ni US Defense Secretary Lloyd Austin lll na ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Amerika at Pilipinas ay sakop ang Philippine public at government vessels at aircraft.

Ipinaliwanag ito ni Austin kay Defense Secretary Gilberto Teodoro nang pag-usapan nila ang mga pangyayari sa South China Sea, kabilang ang pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard sa supply boatd ng AFP noong Agosto 5.

Diin ni Austin, anumang pag-atake sa barko ng Pilipinas at aircraft sa South China Sea ay magreresulta ng invocation ng MDT

“Austin reiterated that the US commitment to the alliance remains ironclad and that an armed attack on Philippine armed forces, aircraft, and public vessels, including the Coast Guard, anywhere in the South China Sea, would inoke US mutual defense treaty commitments under Article 1V of the MDT,” sabi ni DND Spokesperson Arsenio Andolong.

Ayaw natin ng gulo, pero kung patuloy tayong gagagohin ng China, dapat na tayong umalma, Mr. President!