Advertisers

Advertisers

Cesar may habilin sa 3 tsiks na anak; Excited na maging lolo sa anak ni Diego

0 328

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAKIKITA ni Cesar Montano na magiging responsableng ama ang kanyang anak na si Diego Loyzaga.
Ngayon nga raw ama na ito, nakita niya ang malaking pagbabago sa anak.
Wala naman daw problema kay Cesar kung tawagin siyang Lolo or Grandpa ng apo nito kay Diego.
Although lolo na si Cesar sa mga apo sa eldest daughter na si Angela.
Natanong naman ang kanyang tatlong Marya na sina Angelina, Sam at Chesca, mga anak nito kay Sunshine Cruz.
Kung okey lang daw sa kanya na magka-bf ang tatlo, agad naman na sinagot ni Cesar at naghabilin ito sa kanyang Tres Marias.
Ang habilin nga nito ay mag-aral muna mabuti ang mga anak nang gumanda ang kanilang buhay.
Suportado ni Cesar ang kinabukasan ng kanyang tatlong anak na babae at isa lang ang wish nito, makapagtapos ang kanyang mga anak sa pag-aaral at huwag muna magdyowa.
***
Gladys Reyes ibinidang may ibang pinagkakabisihan ang mister
AKALA ng marami, porke’t di na nga raw visible sa limelight ang mister na si Christopher Roxas ay wala na itong ginagawa.
Ibinida ni Gladys sa isang panayam na proud ito sa kanyang asawa na isang actor chef.
Nagpunyagi nga raw si Christopher sa kanyang craft na pagluluto.
Mismong si Christopher ay inamin na 100% ang support ni Gladys sa kanya.
Kahit daw di nakikita sa showbiz si Christopher ay ito naman ang namamahala sa kanilang negosyo.
Dahil mahilig sa pagluluto ay kainan or resto ang pokus nito na siya niya ngayong tinututukan.
Naiyak pa nga ang couple sa guesting nila sa Magandang Buhay dahil nakita ni Gladys na nagtagumpay ang mister sa pagiging chef.
Well, well, well…’Yun na!