Advertisers

Advertisers

Blacklisted na Vietnamese, Chinese, at Cambodian naharang sa NAIA

0 123

Advertisers

IBINAHAGI ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaharang ng isang babaeng Vietnamese noong July 31.

Ang Vietnamese na kinilalang si Thi Linh Dien, 26, ay naharang matapos na magtangkang umalis pasakay ng Philippine Airlines flight patungong Saigon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang pangalan ni Thi ay natuklasang kabilang sa derogatory database ng BI nang magsagawa ng primary inspection.



Inutos ni BI Commissioner Norman Tansingco na magsagawa ng imbestigasyon kung paano nakapasok ang nasabing Vietnamese sa bansa sa iligal na paraan.

“She is considered as an illegal entrant, as her name has been in our blacklist since 2019,” sabi ni Tansingco.

“However, it seems that she entered the country last July 18,2023 without undergoing proper inspections,” dagdag pa nito.

Agad na ipinaaresto ni Tansingco si Thi sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.

“She will be deported and her name will rename in the BI’s blacklist indefinitely,” saad ni Tansingco.



Si Thi ay mananatili muna sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang implementasyon ng kanyang deportation.

Samantala ay ibinahagi rin ni Tansingco ang pagkakaharang ng Chinese at Cambodian national na wanted ng Interpol at may warrants of arrest.

Ang naharang na wanted nitong August 7 ay si Guo Hui, 29, Chinese national. Si Guo ay dumating sa NAIA Terminal 3 mula Kuala Lumpur, Malaysia at napag-alamang nasa blue notice ng Interpol na wanted sa China dahil sa iligal na pagbili at pagbibigay ng credit card information.

Naharang naman noong August 8 sa NAIA Terminal 1 si Su Fashui, 39, matapos dumating galing ng Phnom Penh. Cambodia.

Si Su ay nabatid na nasa red notice ng Interpol at may arrest warrant na ipinalabas noong 2021 ng Huaiyuan county public security Bureau, Bengbu City sa Anhui province, China. Siya ay wanted sa pagbubukas ng casino, na paglabag sa Chinese laws at may katapat na 10 taong pagkabilanggo.

Ang dalawang dayuhan ay ‘di pinapasok ng bansa at agad na pinasakay sa sumunod na available flight palabas ng Pilipinas. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)