Advertisers
Pinangasiwaan ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang paglulunsad ng iba’t-ibang infrastructure projects ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan noong unang linggo ng Agosto.
Pinangunahan ni Mayor Along ang blessing at turnover ceremonies para sa dalawang health center sa Phase 3 at 4 ng Brgy. 176 Bagong Silang. Isinagawa din sa Brgy. 175.
Inorganisa din ang turnover ng isa pang covered court at isang street lighting program sa Brgy. 178.
Samantala, ang pagtatayo ng Super Health Center sa Brgy. 28 ay sinimulan din, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa Department of Health (DOH), Senator Bong Go, at City Representative District 1 Cong. Oca Malapitan at District 2 Cong. Mitch Cajayon-Uy.
Malugod na tinanggap ni Mayor Along ang mga bagong proyektong pang-imprastraktura bilang pagpapakita ng pangako ng pamahalaang lungsod na mapabuti ang buhay ng kanyang mga nasasakupan sa lahat ng aspeto.
“Makikita natin na hindi pare-pareho ang pakay ng mga naitayo o sisimulan pa lang na proyekto. Merong para sa kalusugan, kaligtasan, at kahit para sa paglilibang ng mga Batang Kankaloo dahil hangarin po natin ang lahat ng pagbabawal, kaya nating bigyang tulong,” pahayag ni Mayor Along.
Tiniyak din ni Malapitan sa lahat na ang kanyang administrasyon epektibo at kaagad na tutugon sa kasalukuyang mga alalahanin ng kanyang mga nasasakupan sa pamamagitan ng patuloy na paglikha ng higit pang mga programa at proyekto na partikular na naglalayon para sa nasabing layunin.
“Hindi po tayo titigil sa infrastructure projects lamang. Asahan niyo po na mas marami pang proyekto at programa ang ilulusad ng pamahalaang lungsod upang tugunan ang mga suliranin na meron sa ating mga komunidad,” wika ni Along.
“Layunin po ng aking administrasyon na ilapit ang mga serbisyo sa ating mga kababayan mas maramdaman niyo ang mga solusyong binibigay natin, kaya naman narito po ang mga proyektong ito bilang sagot ng pamahalaang lungsod sa mga hinaing na ipinaalam niyo sa amin,” dagdag pa ni Mayor Along.(BR)