Advertisers

Advertisers

Pekeng doktor timbog sa Makati

0 284

Advertisers

NATIMBOG ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang Chinese national na nagpanggap na doktor sa Makati City.



Kinilala ang nadakip na si Haitao Gong, 34 anyos, ng Salamanca St., Poblacion, Makati City.

Ayon kay CIDG Director, Major General Romeo Caramat Jr., inaresto si Gong matapos ireklamo ng isang Ms. Jian Huang kaugnay ng “illegal practice of medicine” sa kanyang klinika na “Avonnea Skin Care Center” sa Salamanca St..

Nag-aalok ang suspek ng iba’t ibang cosmetic treatments and procedures sa kanyang clinic.

Nahuli sa akto ang pekeng doktor na nagsasagawa ng medical services sa kanyang pasyente nang salakayin ng mga operatiba ang klinika nito.

Nang hingan ng katibayan, walang maipakitang dokumento at lisensya si Gong.

Kinumpiska ng mga operatiba ang iba’t ibang klase ng gamot at mga pang-injection.

Nakatakdang ipagharap ng reklamong paglabag sa R.A. 2382 o Medical Act of 1959 si Gong. (Mark Obleada)