Advertisers

Advertisers

Lasing nalunod sa hanggang hitang baha

0 92

Advertisers

NATAGPUAN ang bangkay ng isang lalaki sa ilalim ng kanyang papag na lubog sa baha na hanggang hita ang lalim sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Gerry Bautista, 51 anyos, residente ng Barangay Minien East.

Bago mangyari ang insidente, nakipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan. Sa sobrang kalasingan inihatid na nila ito sa kanyang bahay at inihiga pa sa papag na nasa hanggang hita na baha.



Nadiskubre nalang ang bangkay ng biktima nang humupa ang baha, may makapansin sa daliri ng kanyang paa na lumutang.

“Paghiga niya roon sa papag niya bali-baliktad siya. Tapos pagbaliktad niya nahulog sa tubig na hanggang sa hita,” anang ama ng biktima.