Advertisers

Advertisers

Inflation rate bumagal sa 4.7% noong Hulyo – PSA

0 100

Advertisers

INANUNSYO ng Philippine Statistics Authority (PSA) na muling bumagal ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Sa ulat ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumagal sa 4.7% ang inflation nitong Hulyo na mas mababa sa 5.4% noong Hunyo at 6.4% noong Hulyo ng 2022.

Ang average inflation naman mula Enero hanggang Hulyo ay nasa antas na 6.8%.



Paliwanag ng PSA, na-ngungunang dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na paggalaw sa singil sa kuryente at renta sa bahay at LPG.

Pangalawa sa naka-ambag sa mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages na may 6.3% inflation partikular ang pagbaba ng presyo ng manok, tilapia at puting asukal.

Naka-ambag din ang pagbagal ng presyo ng transport na may -4.7% inflation dahil sa pagbaba ng pamasahe sa jeep, bus at eroplano.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">