Advertisers
INAMIN ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na biktima siya ng fake news kaya niya nasabi na nahanap na ang katawan ng nawawalang inmate sa New Bilibid Prisons.
Ayon sa kalihim, maling impormasyon ang ipinaabot sa kanya na nahanap na ang katawan ng inmate na si Michael Cataroja na wala ng ulo at nabubulok nang matagpuan sa lob ng isang septic tank sa Sputnik Gang compound.
Hindi naman nilinaw ng kalihim kung saan at sino ang nagbigay ng maling impormasyon sa kanya.
Samantala, mariing pinabulaanan ni Bureau of Corrections (Bucor) Director Gen. Gregorio Catapang Jr. na sa kanya nagmula ang maling impormasyon. Bagama’t inamin nito na hindi niya agad naimpormahan si Sec. Remulla patungkol sa nawawalang inmate dahil masama umano ang pakiramdam ng kalihim
Si Cataroja ay naiulat na nawawala nitong Hulyo 15 ng kasalukuyang taon.
Sinabi pa ni Catapang na mananatali sa listahan ng missing inmate si Cataroja habang patuloy ang paghuhukay sa mga septic tank upang mahanap ito at sakaling hindi umano ito makita ay ikokonsidera nila itong nakatakas. (Jonah Mallari)