Advertisers
NASAWI ang isang tatlong taon gulang na bata na aksidenteng nahulog sa lutuan ng nagbabagang mga uling sa Cotabato.
Nasunog ang halos kalahati ng katawan ng bata kaya kinailangang putulin ng mga doktor ang kanang binti. Nanatili ang bata sa ospital ng ilang araw upang sumailalim sa paggamot.
Hulyo 11 pa nangyari ang aksidente, at matapos ang halos isang buwan sa ospital AY namatay ang bata nitong Linggo dahil sa impeksyon.
“Sana ako nalang ang nahulog dun sa uling. Sana hindi nalang siya, sir,” hikaos ng ina ng bata.
Hindi na sinisingil ng mga doktor ang pamilya ng bata para sa kanilang serbisyo.
Pero nasa P180,000 ang mga bayarin sa ospital kaya nananawagan ang pamilya para sa tulong para mailabas ang labi ng bata.