Advertisers

Advertisers

2 trabahador tigok sa suffocation sa septic tank ng mall

0 216

Advertisers

DALAWANG trabahador ang natagpuang patay sa loob ng septic tank ng isang mall sa Sta. Rosa, Laguna nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat, hinihihinalang na-suffocate ang dalawa habang naglilinis ng tangke.

Ang mga biktima ay plumber at declogger ng isang sub-contractor company na naglilinis ng mga septic tank.



Ayon sa report ng Sta Rosa City Police, 6:00 ng umaga ng Miyerkoles nadiskubre ng kanilang mga kasama sa trabaho ang katawan ng mga biktima sa loob ng septic tank na nasa parking lot ng mall.

Kuwento ng katrabaho ng nga biktima, 9:00 gabi ng Martes nang simulang linisin ng 2 biktima ang septic tank.