Advertisers
Ni FAVATINNI SAN
MARAMING tagahanga ng ating National Artist na si Nora Aunor ang naghahangad na mapanood na siya sa big screen. Ano ba ang nangyari sa Kontrabida, Ligalig at pinagmamalaking pelikula ni kyusi konsehal Alfred Vargas? As of presstime, abala sa syuting na Mananambal si Ate Guy. Naghihintay din ang producer ng “Bukod Kang Pinagpala.”
Kung naiiniip ang mga tagahanga niya at moviegoers, e paano naman ang producers niya nakatengga ang mga natapos na pelikula?
Ilalaban nila sa mga international film festival at duon ima-market ang mga Nora Aunor movies.
***
FRANCO MIGUEL AKTIBO SA SYOBIS
NASA dugo niya ang syobis. Kahit abala sa kanyang negosyo, may oras pa rin siyang umarte.
Nasa cast siya ng pelikulang “KUYA” na obra ni direk Francis ‘Jun’ Posadas bilang bagman at kontrabida Kay Richard Quan. Kung naabutan ninyo siya sa syobis, isang SDA (sexy dramatic actor) si FRANCO MIGUEL. Napanood sa “Apoy sa Dibdib Ng Samar,” “Anak Ng Kumander,” “Pick-up Girl,” at sa kanyang launching movie na “Mapupulang Rosas.”
Hangad ng mga supporters ni Franco na magtuluy-tuloy siya sa pag-arte sa pelikula. Sa aming pag-uusap, may isang istoryang pelikula na akma sa kanya at gagawin siyang bida. Off the record munà kung sino ang producer at kanyang makakasama.