Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA recent upload sa kanilang vlog na Showbiz Update, isa sa mga pinag-usapan ng mga host dito na sina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Packoh ang umano’y paglaki na ng ulo ng comedienne cum beauty queen na si Herlene ‘Hipon’ Budol.
Napansin daw kasi nila na tila hindi masaya si Hipon sa napanalunang korona bilang Miss Tourism Philippines sa katatapos lang na Miss Grand Philippines.
Halata raw ito sa mukha ng dalaga. HIndi ito naka-smile nang tawagin ang pangalan niya bilang Miss Tourism Philippines, at habang kinokoronahan siya ay seryoso ang mukha niya
Sabi ni Ogie,“Parang nasilip ko talaga, parang nase-sense ko ‘yong paglaki ng ulo ni Herlene Budol, sorry to say ha. Oh, kaibigan natin si Momshie Wilbert, pero sana hindi ito senyales ng paglaki ng ulo.”
Ayon pa sa talent manager-TV host, social media influencer, may mga naririnig daw siyang kuwento ukol sa dalaga mula sa kanyang mga source sa Kapuso network.
“Kasi naririnig ko eh, sa GMA, ‘yong mga pagiging unprofessional ni Herlene din, doon sa taping ‘di ba? At dito rin ‘pag uma-attend siya ng rehearsals ng Miss Grand eh, nali-late din siya.”
Natanong ni Mama Loi kung true ang chika na may pagka-unprofessional nga ang dalaga.
“Pero hindi nga, totoo nay? Ano ba, may pagka-unprofessional daw ba si Herlene?” tanong ni Mama Loi kay Ogie.
Sagot naman ni Ogie,“Oo, iyon ang naririnig natin. At sana no, lalo na eh sinusubo na lang sa’yo ‘yong mga pagkakataon, ‘yong oportunidad, i-grab mo, ingatan mo, mahalin mo, pahalagahan mo. Kasi nakikita ko talaga, feeling niya sikat na siya. Feeling niya sikat siya.”
Pero for the benefit of the doubt, pwede naman daw pabulaanan ni Herlene at sagutin ang mga isyung ibinabato sa kanya dahil ito lang naman daw ang nakarating sa kanya.
Mamaya raw kasi ay i-bash na naman siya ng mga fans lalo na’t marami ring sumusuporta sa dalaga.
“Iyon ang mga nababalitaan natin, ‘yong pagiging unprofessional ni Herlene. Oo, lalo na sa call time. Late-late. Tapos sa call time ng mga rehearsals nale-late din siya.
“Baka sabihin naman nila ako naman pupukulin nila, ako iba-bash nila, eh sige, sagutin ‘yan ni Herlene kung bakit nangyayari ‘yan, bakit may ganong sumbong sa akin na siya ay napaka-unpro,” sey pa ni Ogie.
Pero sana nga raw ay hindi totoo yung tingin ni Ogie tungkol kay Herlene.
“Kaya sana lang no, mabago ‘yong pananaw ko, ‘yong tingin ko kay Herlene, na sana hindi ito totoo.”
***
DEDMA lang si Lea Salonga kung mawalan man o mabawasan siya ng mga fan dahil sa kanyang paninindigan.
Nag-viral ang video ni Lea Salonga kung saan tumanggi siyang magpa-picture sa fans na sumugod sa dressing room niya matapos ang kanyang performance sa musicale na “Here Lies Love, na ginanap sa ibang bansa.
Dahil sa pangyayaring ito, may mga bumatikos sa OPM icon, at nagsabing masyado naman daw siyang feeling superstar sa inasta niya sa harap ng mga fan na gusto lang naman magpa-picture sa kanya.
Sana raw ay pinagbigyan na lang niya ang mga ito dahil minsan lang naman daw mangyari ang ganu’ng mga pagkakataon sa Pinoy fans na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.
Pero nanindigan si Lea sa kanyang paniniwala na mali ang ginawa ng mga naturang fans at sa kabila raw ng pangnenega at pang-ookray sa kanya sa social media patuloy niyang poprotektahan ang sinasabi niyang boundaries.
Sa kanyang Twitter account, ito ang ipinagdiinan ng singer, “The money you pay for a theater/concert ticket does not mean all-access. You pay for that performer’s art, and that’s where it stops.”
O, di ba? ‘Yan si Lea Salonga.
Pero para sa akin, tama lang naman ang ginawa ni Lea. Sinabi niya na for security reasons din, na hindi nga pwedeng basta magpapasok sa kanyang dressing room.
At pinagbigyan naman niya ang mga fan na gustong magpa-picture sa kanya. Niyaya niya ang mga ito na sa labas na lang ng kanyang dressing room sila mag-picture-an.