Advertisers
LILIPAD ang Gilas Pilipinas patungong China upang maglaro ng limang araw na pocket tournament bilang preparasyon para sa parating na 2023 FIBA World Cup sa Agusto.
Ang national squad ay dumating sa Manila Lunes matapos lumustay ng mahigit dalawang linggo sa Europe kung saan ang team ay naglaro ng anim na tune-up matches kontra European teams.
Ngayon, makaharap naman ng Filipinos ang Asian powerhouse teams Iran at Lebanon,pati na rin ang Africa squad Senegal sa pocket tournament na nakatakda sa Agusto 2-6.
Ang tournament ay magsilbing national squad’s last leg ng mabigat na training overseas, bago muling sumabak sa aksyon sa group stage play kontra Dominican Republic sa FIBA World Cup opening day sa Agusto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue,Bulacan.
Ang iba pang teams sa group stage na maglalaban tampok ang Angola at Italy,na ang games ay parehong naka-iskedyol sa Smart Arameta Colesium.
“(We’re) trying to stay sharp, that’s the important thing as we continue to develop from lesson we learned, to improve, then prepare for the tough games in China series in which we’re going to play full national teams again,” Wika ni Reyes.
Umaasa ang Gilas na ang Utah Jazz star Jordan Clarkson ay makakasama sa team sa China.
Clarkson, na dating NBA Sixth Man of the Year awardee, ay lumagda ng bagong three-year, $55 million deal sa Jazz.
Si Clarkson ay naglaro sa Gilas sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers nakaraang Agusto, na ang national team ay nabigo sa Lebanon at nagwagi kontra Saudi Arabia.