Advertisers
BABALIK ang Liga para sa kanilang 19th season ang pinakamalaking collegiate football league sa Pilipinas na magsisimula ang tournament sa Agusto 5.
Ibat-ibang college teams mula sa UAAP,NCAA at iba pang community based squads, ang maglabanlaban para sa dedikasyon ng liga na mabigyan ng pantay na pagkakataon ang may talino na indibiduwal.
De La Salle University, Adamson University, San Beda University, College of Saint Benilde, Emilio Aguinaldo College, at University of Batangas ang kumumpleto sa Division 1 Group A, Habang ang Ateneo de Manila University, University of the Philippines, University of Sto. Tomas, Far Eastern University, University of the East, at Mapua – Malayan Colleges ang sa Division 1 Group B.
Samantala, De La Salle Zobel, De La Salle Lipa, La Salle Greenhills, De La Salle Team 2, Claret School QC, at Adamson Team 2 napunta sa Division 2 Group A, at University of Perpetual Help System DALTA, Ateneo de Manila High School, San Beda University High School, University of Sto Tomas High School, Xavier School, at De La Salle Integrated School completes Division 2 Group B.
Bago ang opening, Ang Liga ay lumagda ng pakikipagtulungan sa FPJ Panday Bayanihan and Pantheon Holdings.
Ayon sa kanila,itong development ay nakasentro sa sports development at pangako na pag-aalaga sa students talent, at pagbibigay kapangyarihan sa komunidad.
Ang Liga’s Division 1 ay magsisimula sa Agusto 5,habang ang Division 2 ay kinabukasan Agusto 6.