Advertisers

Advertisers

College Dean nasawi sa aksidente

0 172

Advertisers

NASAWI ang isang college dean nang bumaliktad ang sinasakyang bus sa bahagi ng Tarlac-Pangasinan – La Union Expressway.

Kinilala ang nasawi na si Ulpiatrasinia Tuzon, dean ng Divine World College sa Bangued, Abra.
Kasama ng dean ang kaniyang dalawang clinical instructors at 30 nursing students pupunta sa Metro Manila para sa kanilang affiliation nang mangyari ang insidente.

Maliban sa mga estudyante, sakay rin ng bus ang 18 iba pang pasahero.



Habang binabagtas ng bus ang TPLEX, nawalan ng kontrol ang drayber sa preno ng sasakyan na nagresulta ng pagbangga nito sa isang barrier at bumaliktad.

Agad na idinala sa pagamutan ang mga biktima, sugatan man o hindi upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito, ngunit idineklarang dead on arrival si Tuzon.

Nagtamo ng fracture ang isa sa mga clinical instructor, habang ilan sa mga estudyante ay nasa stable na ang kalagayan, at ang ilan ay inoobserbahan pa sa pagamutan.

Nasa kustodiya na ng PNP ang drayber ng bus, habang patuloy ang negosasyon ng pamilya ng nasawi at bus company.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">