Advertisers

Advertisers

2 parak, 2 pa swak sa ‘frustrated nurder’ sa pag- salvage sa dating preso

0 114

Advertisers

NAHAHARAP sa kasong frustrated murder ang apat na persona kabilang na ang dalawang pulis kaugnay sa tangkang pagpatay sa dating bilanggo sa Barangay Calaboa, Leganes, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Glen Paloma, 39 anyos, na nagtamo ng anim na tama ng baril at nakagapos pa ang mga kamay.

Ang mga pulis na sinampahan ng kaso ay sina Staff Sergeant Enrico Gonzales at Executive Master Jessie Rubio, naka-assign sa tracker team ng Intelligence Unit sa Iloilo City Police Office.



Maliban sa mga ito, nahaharap rin sa kaparehong kaso sina John Ian Leda ng Arevalo, Iloilo City, may-ari ng Abe’s Payag Seafood Restaurant; at Ricky Giluani, ng San Remegio, Antique at security guard sa nasabing kainan.

Ayon kay Captain John Robles, hepe ng Leganes Municipal Police Station, nakitaan ng probable cause ng Iloilo Provincial Prosecutors Office ang testimoniya ni Paloma.

Ayon kay Robles, nagtugma ang statement ni Paloma sa pahayag ng mga witness sa krimen.

Nag-ugat ang krimen nang mapagkamalang magnanakaw ang biktima nang namataan ito na huminto sa harap ng kainan na pagmamay-ari ni Leda nang masira ang sinasakyan nitong bisekleta.

Dito ay sinaktan ito ng gwardya.



Matapos nito, ginulpi si Paloma ng dalawang pulis at binaril, ginapos, nilagyan ng piring ang mga mata at binusalan ang bibig. At iniwan nila ang biktima sa palayan sa pag-aakalang patay na ito.

Ngunit nagkamalay ito at nang dinala sa ospital, positibo nitong kinilala ang mga pulis at iba pang indibidwal na nagtangkay pumatay sa kanya.