Advertisers

Advertisers

DICT: NO MORE EXTENSION SA SIM CARD REGISTRATION

0 157

Advertisers

IGINIIT ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang mangyayaring extension pagsapit ng July 25 deadline para sa SIM card registration.

Sinabi ni DICT Assistant Secretary for Cybersecurity Jeffrey Ian Dy, hindi na sila makapagbibigay ng extension dahil ito ang itinatakda ng batas.

Pahayag ni Dy, pagsapit ng July 26, mapuputol ang mga koneksyon kapag ang SIM card ng mga subscriber ay hindi pa rehistrado.



Sa ngayon, pumalo na sa 100.2 milyong SIM cards ang nairehistro sa bansa.

Dagdag ni Dy, bagama’t katumbas lang ito ng 60%, 59.67% ng total SIM cards na nabili, maituturing na rin itong malaking naabot.