Advertisers

Advertisers

107 volcanic earthquakes, 241 rockfall naitala sa Mt. Mayon

0 110

Advertisers

TINATAYANG aabot sa 107 volcanic earthquake ang naitala sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Mayon iniulat kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nabatid sa Phivolcs patuloy na nakataas ang alert level 3 sa paligid ng bulkang Mayon.

Ayon pa sa Phivolcs patuloy ang mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 1.6km sa Mi-isi Gully at pagguho ng lava hanggang 3,3km mula sa crater.



Nabatid pa sa ahensya na aabot sa 241 rockfall events ang naitala at pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan habang patuloy sa pamamaga ang bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man sa anim na kilometrong (6km) radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Habang hindi rin pinapayagan ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.

Nagbabala rin ang Phivolcs na maaaring maganap ang pagguho ng bato at pag-itsa ng ipak ng lava o bato mula sa bunganga ng bulkan at pagputok ng bulkan.

Pinangangambahan din ang pag-agos ng lahat kung may matinding pag-ulan mula sa tuktok ng bulkan. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">