Advertisers
Kulong ang isang delivery rider na listed bilang top 6 most wanted ng Northern Police District (NPD) nang maaresto sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naaresto na si Kenneth Solomon, 22 ng 124 Don Benito St., Brgy. 21 ng lungsod.
Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na matapos ang continuous operational research and intelligence-driven operations, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera ng manhunt operation wanted persons.
Naaresto ng mga operatiba ng WSS sa naturang operation ang akusado 11:20 ng gabi sa IDMS-CFU sa PNR Compound, Samson Road, Barangay 80, Caloocan City.
Ayon kay Major Rivera, sinilbihan nila ng warrant of arrest sa akusado na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 128, Caloocan City noong May 10, 2023, para sa kasong Rape.(Beth Samson)