Advertisers

Advertisers

Umayos na tayo

0 162

Advertisers

KUMUSTA ang rehabilitasyon ng Post Office? Matapos natupok ito noong nakaraang buwan, tila “snail mail” sa bagal ang balita tungkol sa rehabilitasyon nito? Hindi ako nanunuya, ngunit mas mabilis sa pangma-marites ni Aling Ontat ang tugon ng mambabatas sa pambubudol ng Maharlika Wealth Fund kaysa itayo muli ang isang makasaysayang gusali. Kapuna-puna na mas pinahahalagahan ng mga nanunungkulan ang pasuklay ng tutsang at pagtitiktok sa bulwagan ng konseho kaysa pangalagaan ang pambansang pamana katulad ng Manila Central Post Office, na huling nakaranas ng pinsala nung Battle of Manila. Imbes na magluklok ng matitinong tao base sa kanilang kaalaman sa batas at track record sa paninilbihan, niluluklok natin ang mga tao base sa kasikatan at galing magsayaw ng budot. Nakalulungkot na humantong tayo sa ganito. Kaya huwag magtataka kung bakit hindi tayo nagkakaroon ng paghahalaga sa pambansang pamana.

Kumbaga sa telebisyon, ipinagpalit natin ito sa “ratings,” at ang mga payasong nagbabalatkayo na mambabatas ang nagsisilbing mga nagsasayaw na matsing, para maaliw tayo. Heto ay kapansin-pansin sa uri ng lingkod-bayan na inihalal natin. Imbes na lantay na lingcod-bayan, pinili ang pulitikong nagtitiktok sa bulwagang pambayan at nagsusuklay ng tutsang habang may pagpupulong sa senado. Kaya mawalang-galang sa iyo Konsehala Aiko Melendez, at sa iyo Senador Robin Padilla. May paglabag kayong ginawa sapagkat hindi ninyo iginalang ang kinaluluklukan niyo. Ipinakita ninyo sa humalal sa inyo ang uri ng pamamahalang kaya niyong ibigay. Walang pagkakaiba ito sa paglapastangan noon ng isang wedding planner sa puntod ng mga nasa Libingan ng mga Bayani. Bukod sa lantarang pambabastos, pinatunay lang ninyo ang uri ng pag-iisip meron kayo sa pananagot niyo.

Huwag kayo magbigay ng katwiran dahil bukod sa baluktot, ito ay patunay na ang katalinuhan ninyo ay hitik sa kabobohan at kayabangan. Hindi ito nakatutuwa. Isa lang ang motibo na nakikita ko, at ito ang magpasikat. Makamit ito sa mga katulad ninyo na laos at naghahanap ng “option B” sa career. Tuloy umaalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Cesar Rio Pascual tungkol sa botanteng Pilipino. Sa sinabi niya tutuldukan ko ang isyu na ito. “Ang botanteng Pilipino mahina ang ulo. Mga 81 ang IQ, kaya, di niya alam ang kahalagahan ng kanyang boto. Ipinagbibili niya ito sa mga politiko at, sa mga sinungaling, siya’y nagpapaloko.



Paanong mananalo ang matitinong kandidato? Wala silang perang pambili ng boto. Sa mga botante, di sila nanloloko. Tanging hangad nila magserbisyong totoo. Kaya, mga bobo’t gago ang madalas manalo. Paano pa kaya uunlad ang bayang Pilipino?…” Masakit ano? Opo kasalanan natin lahat ito. Sana sa susunod na halalan matuto na tayo na huwag magpabudol sa mga katulad ni Aiko at Binoe. Harinawa hindi kayo manalo sampu ng mga kasapakat ninyo, mga hayop kayo. Sana bigyan ng kahalagaan ng mga mambabatas ang sinumpaan nilang tungkulin, at sana pumili na tayo ng matinong pulitiko. Nakakangawit na. Umayos na tayo. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

MALUNGKOT ang kampo ni Apollo Quiboloy. Bukod sa inuusig siya ng Federal Bureau of Investigation, inalis ng You Tube ang kanyang account kaya hindi na niya pwede gamitin ang social media sa paglaganap ng kanyang buktot na propaganda. Totoo na ang Diyos ay marunong at sa kalaunan, madunong.

***

NALAMAN noong Biyernes na ang submarino na pag-aari ng kompanyang Ocean Gate ay nakaranas ng tinatawag na “catastropic implosion” na agad na kumitil sa buhay ng mga nakasakay dito. Bukod sa piloto at isang “oceanographer, may tatlo pang nakasakay na nagbayad upang dalhin sila sa labi ng barkong Titanic o 3962.4 na metro ang lalim. Halos apat na kilometro ang lalim ng Titanic. Ngunit nagawa ng Ocean Gate na pagaari ni Stockton Rush na nagtatag ng mga tour papunta sa barko na lumubog noong 1912. Si Stockton Rush ay ang piloto ng submarino, at siya ay nabibilang ngayon sa mga taong namatay. Batay ang isang sonar signal mula sa US Coast Guard, noong nakaraang Linggo, nagrehistro ang isang malakas na putok mula sa isang lugar sa kung nasaan ang labi ng Titanic. Dito nalaman na nagkaroon ng tinatawag na “implosion” na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng limang nakasakay sa submarino.



Hindi ito katulad ng nangyari sa submarinong Kursk dahil mabilis ang kamatayan nila. Tatlong bagay ang nakikita kong pagkukulang. Una, ang disenyo ng submarino na inasa sa hinabing “composite Materials na naging sanhi ng “delamination sa estruktura ng submarino. Ang pangalawa ay ang katigasan ng ulo ng may-ari ng Ocean Quest na si Stockton Rush, na pinilit gamitin ang submarino na walang kaukulang “safety clearances”. Si Rush ay ngayon nabibilang sa mga taong pinatay ng sarili nilang imbensyon. At pangatlo, ang pagkukulang bunga ng “media hype”. Sa akin ang pagbibigay ng pag-asa na may mabubuhay pa sa ganitong trahedya.

Oo na at masakit ang pangyayari, ngunit mas masakit ang paasahan mo ang mga mahal sa buhay ng mga namatay dahil lamang sa ratings. Bilang isang peryodista ito ang hindi katanggap-tangap sa akin. Kumbaga sa Ingles: “Please do not prolong the agony.” Mas maraming tao ang tumuntong sa buwan kaysa tumuntong sa ibaba ng karagatan. Pumunta ang lima sa labi ng Titanic, na naging libingan ng 1,500 na tao. Ang Titanic ag nagsilbing huling hantungan ng lima pa, na sakay ng submarino, na ang pangalan ay “Titan.”

***

Mga Harbat Sa Lambat: “Ang “Maharlika Investment Fund” ay parang kinalburong mangga. Dilaw ang balat na akala mo ay hinog. Yun pala ay hinog sa pilit kaya maasim pa rin…” – Sahid Sinsuat Glang, dating sugo

“Ayon kay BBM, fake news has no place in modern society…

Really?… Tigil-tigilan mo nga kami!…” – Joel Cochico, netisen

“Ang pag-ibig sa Bayan ay parang kape… Huwag ito hayaang lumamig…” – Marilou Fernandez, netisen

***

Jok Taym: Mula kay Johnny Tamad:

MA’AM: Inday, buti bumaba ang tubig at Kuryente natin…

INDAY: Opo Ma’am, kasi sumasabay sa pagligo ko si Ser… Pinapatay din niya ang ilaw kapag tumatabi sa akin kay bumaba din ang kuryente…

***

Wika-Alamin: Mga Taramon sa Bikol Aram Mo Pa Daw?…

Tinipon ni Abdon Balde Jr.

KILWIT: Pagtangkas ki sarong bagay gamit an muro o matarom. Sa Tagalog, pagtanggal ng isang bagay gamit ang daliri o patalim. Sa Ingles, to remove using the finger or a knife.

***

mackoyv@gmail.com