Advertisers

Advertisers

TAN AT GIBO ‘NO, NO’ SA PEKENG PEACE TALKS

0 139

Advertisers

PARA saan pa nga naman ang usapang pangkapayapaan kung hindi naman nito mapipigilan ang karahasan.

Yan ang paninindigan na inihayag ni Quezon Governor Angelina de Luna Tan na naniniwalang wala ng puwang ang peace talks kahit na sa pagitan ng matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front kung patuloy naman ang mga armado nitong unit sa mga kanayunan at mga kabundukan ay patuloy na pumapatay ng kapwa nila Filipino.

Sinusuportahan lang naman din ni Governor Tan ang posisyon ni Defense Chief, Secretary Gilbert Teodoro Jr., na di na kailangan ang pakikipag-usap o pagbubukas ng peace talks sa mga CPP-NPA-NDF.



Parehas lang naman ang dalawang opisyal ng posisyon. Mas mainam sa kanila ang ‘localized peace engagement’, kung saan suportado at hinahangaan ni Teodoro, ang pamamaraang ito na ginamit ni Governor Tan, kaya naubos ang CPP-NPA-NDF, nang di namamatay ha, kung di, ay mga nagsisuko at nagbalik-loob sa pamahalaan upang gumanda ang buhay.

Localized peace engagement’, kung saan kinaka-usap ni Tan ang lahat ng nasasakupan o ang mga lokal na mamamayan, hinggil sa kahirapan, na dinadahilan ng CPP-NPA-NDF sa kanilang pakikipag-laban sa pamahalaan.

Ito nga ang reresolbahan ng lokal na pamahalaan para matigil na ang kaguluhan na dala ng CPP-NPA-NDF.

Ang mga namulat ang kaisipan, ay biglang nag-imbita ang pananaw at tinalikuran na ang kanilang pakikisimpatya sa CPP-NPA-NDF. Maging ang mga mismong NPA fighters ay nagsisuko.

Kaya nakalaya ang Quezon Province ni Governor Tan sa kuko at panggugulo ng CPP-NPA-NDF. Yan din ang hangarin ni Secretary Teodoro, na mangyari pa sa mga lugar na kinukutahan ng mga CPP-NPA-NDF.



Wala na nga naman dapat pang sayangin ng panahon sa mga pa-peacetalks-peacetalks pa. Local peace engagement’ na ang bida.

Tingnan niyo ang bayan ni Tan, may 500 milyong pondo agad na inilaan para sa kaunlaran at kabuhayan ng kanyang mga mamamayan, na ngayon ay wala nang makapang-gulong CPP-NPA-NDF.