Advertisers
MALAKING dahilan sa tinatamasang popularidad sa sambayanan ni Senator Bong Go ay ang pagiging totoo sa pakikitungo sa kababayang Pilipino saan mang sektor o katayuan sa buhay ang kinabibilangan,di nakalilimot sa mga naging kaibigan at nakasama sa pakikibaka sa mga adhikain para sa bayan.
Isa pa sa factor ay ang napakadali siyang lapitan at mababa ang loob sa mga nangangailangan basta lehitimong dahilan ay okey lang siyang idaop ang kanyang palad.
Kaya nga siya namamayagpag sa mga isinasagawang surveys. Lagi siyang nasa first five tuwing ilalabas ang talaan.
Di siya tumigil sa pagtupad ng mga pangako sa bayan tulad ng malasakit at kapakanan sa kalusugan lalo pa’t siya ang pinuno ng Senate Committee on Health at sa SPORTS malayo man o malapit na ang halalan ay di ito ang dahilan sa kanyang taos ng paglilingkod sa bayan.
Kaya tiyak at in the bag na ang panibagong termino sa Senado ni SBG dahil mahal siya ng napakarami.
Speaking of sports, nanawagan si SBG (Senate Committee on Sports) sa lahat ng sektor na magtulung – tulong at magkaisa s pagsuporta sa ating Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa ating bansa.
Ang Pilipinas ang siyang host ng itinuring na Olympics of basketball at co-hosts ang Indonesia at Japan.
Nasa Europa ngayon ang ating national team upang sumabak sa mga torneo doon at sa ilang pocket tournaments para maihasa ang ating nationals bilang preparasyon sa higanteng laban kontra mga titans na basketball sa bawat kontinente sa buong mundo mundo.
Ayon pa kay Go ,isang varsity basketball player sa Davao City noong kanyang prime,lahat ng suportang moral spiritual at financial ay marapat na isuporta ng lahat ng konsernadong Pinoy pati na ang hosting ng kaganapang bihirang mangyari sa Pilipinas.
GO.. go Gilas Pilipinas!