Advertisers
NANUMPA kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang highest voting kagawad na si Kagawad Stephanie Tricia C. Pilar bilang Acting Punong Barangay (Barangay Chairman) ng Barangay Pasong Tamo nitong nakalipas na Linggo.
Pinalitan ni Pilar ang suspendidong Barangay Chairman na si Mae Tagle matapos ang pagsang-ayon ng 38 member ng City Council sa resolusyon na inilabas ng Special Investigation Committee na nag-uutos na suspindihin si Tagle.
Si Pilar, ang pinakabatang barangay kagawad na nanumpa kay Belmonte sa isang simpleng seremonya sa kanyang opisina noong weekend bilang acting Brgy. Chairman ng Barangay Pasong Tamo sa District 6.(Boy Celario)