Advertisers

Advertisers

‘Monday First Screening’ ng NET25 alay sa mga senior citizen

0 169

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

KAPWA masaya ang dalawang premyadong artistang sina Gina Alajar at Ricky Davao dahil sa kabila ng kanilang edad ay kinuha pa rin sila ng NET25 para maging bida ng pelikulang ipinrudyus ng network, ang Monday First Screening.
Sa idinaos na presscon ng pelikula kamakailan sa EVM Convention Center, dumalo sina Gina at Ricky kasama ang kanilang co-stars na sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Che Ramos at David Shouder, gayundin ang bagong loveteam na aabangan, sina Allen Abrenica at Reign Parani. Ito ay sa direksyon ni Benedict Mique.
Ayon sa tsika ni Ricky, pangatlong beses na raw nila itong tambalan ni Gina sa pelikula. Masaya raw siya na sa kabila ng kanilang edad ay naisipan pa sila ng NET25 na pagbidahan ang tinaguriang senior citizen rom-com.
Ang Monday First Screening ay nakasentro sa istorya ng dalawang senior citizen na may namuong pag-ibig mula sa panunood ng mga libreng pelikula sa unang screening tuwing Lunes tulad ng ginagawa sa ilang malls sa Metro Manila.
Gaganap si Gina bilang Lydia, isang retiradong high school principal na sumasama sa grupo ng mga senior citizen gaya niya para manood ng sine sa mall.
Sinabi ng mahusay na aktres-direktora, hindi na anya siya nagdalawang isip pa na tanggapin ang pelikula bagama’t hindi raw maiwasan na nerbyusin siya sa muling pagbibida sa movie.
Nagpahatid ng pasasalamat sina Gina at Ricky sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng NET25 para pangunahan ang Monday First Screening na ang invitational screening ay ginawa nitong nakalipas na June 12.
Hindi lang umano ipakikita ang unang pelikula ng NET25 pero ito ay pagkakataon din upang magbigay ng serbisyo sa mga senior citizen.