Advertisers
Ni BETH GELENA
IPINOST ni Julia Montes ang natapos na niyang linising carpet ng kanyang bahay.
Ibinahagi niyang tapos nang linisin ang carpet at pinasalamatan din niya si Shaina Magdayao.
Tiniyak ng aktres na laging malinis at cozy ang space ng bawat sulok ng kanyang bahay.
Matatandaang ibinahagi rin ni Julia ang sneak peek ng kanyang kitchen nang siya ay nagluluto.
Humanga naman ang kanyang followers sa kanyang kasipagan.
Through her post, she expressed her satisfaction with her freshly cleaned carpet.
Aniya, “Got my carpet cleaned! Super thank you @ninjamadeph. Thanks also to my Ate @shaina_magdayao for the rug with the roll right @takasqueen.”
Huh, bakit kaya niya tinawag na Takas Queen si Shaina?
***
ENRIQUE NAUNANG NAGKOMENTO SA BEAUTY NI LIZA
MAY bagong flex na stunning photo si Liza Soberano na kuha ni BJ Pascual mula sa GRAZIA Singapore.
Nag-viral agad ang photo ni Liza.
Ang caption ng aktres: “Outtakes from my grazia.sg covershoot shot by the one and only@bjpascual.”
Iss sa nangunang nagkomento ay ang dyowang si Enrique Gil kung saan 3 emoji fires ang komento niya.
Nag-express naman ng kanilang admiration sa beauty ng aktres ang netizens.
***
HINDI tinatanggi ni Kim Chiu na may sarili na siyang building sa Cagayan de Oro.
Sabi nga ni Kim, “walang-wala talaga kami”
“Alam ko na yung feeling ng walang pera.”
Kaya naman nu’ng nagkapera si Kim, alam niya kung paano iipunin ang perang kikitain.
Aniya sa isang panayam:.”Siguro kasi alam ko na yung feeling ng walang pera. So alam ko kung paano ko itago talaga at ipunin talaga dahil ayoko na bumalik sa panahon na walang-wala talaga kami.”
Sa loob ng maraming taon na nanalo sa PBB si Kim ay nakabili na siya ng properties, including her Quezon City home, a condo unit, and a vacation home for her family.
Ilan lang din ang nakakaalam na may pag-aari rin ang Chinita Princess na commercial building sa Cagayan de Oro.
Binili ni Kim ang building bilang isang investment.
Masaya si Kim na nakikita niya kung saan napupunta ang perang pinaghirapang kitain.