Herlene sinabihan ng netizens, ‘wag na sumali sa mga beauty pageant; Jericho nagreak sa hiwalayan sa misis na si Kim
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI nakasagot nang tama si Herlene Budol sa tanong na ibinigay sa kanya sa Miss Grand Philippines 2023 sashing ceremony, at press conference noong Martes, June 20, 2023.
Kaya naman na-bash tuloy siya nang husto. At ayon sa mga netizen, tumigil na raw sana ang dalaga sa pagsali sa mga beuaty pageant dahil hindi naman daw siya matalino. Nahihirapan lang siya sa question and answer portion.
Sa kanyang Facebook post noong gabi ng June 20, inamin ni Herlene na hindi niya naintindihan ang tanong sa kanya kaya hindi niya naipaliwanag nang maayos ang kanyang sagot.
Nilinaw rin ni Herlene na hindi niya nilaro ang kanyang kasagutan taliwas sa akusasyong dinogshow niya ang Q&A portion ng press presentation.
Post ni Herlene published at is, “Sa sobrang kaba ko po Hindi kopo naexplain yung kung Anong gusto kopong sabihin sorry I admit di po ako magaling Sa lahat ng bagay and sorry kung nawalan po kayo sakin ng kumpyansa
“Sa isang pag kakamali I’ll try my best to make you proud. Hindi ko po nilaro diko lang po talaga na gets yung tanong and I accept it
“Hindi po ako perpekto. Thankyou for those people na naniniwala padin po saakin.”
Sa kanyang Facebook post naman nitong Miyerkules ng gabi, June 21, nangako si Herlene na pagbubutihin pa niya ang kanyang mga gagawing hakbang sa susunod na challenges sa Miss Grand Philippines 2023.
Magti-train na raw siya ulit sa kanyang speech coach.
Sabi niya, “Naiyak ako nung makita ko etong headshot pic sa Miss Grand Philippines. Pangako pagbubutihin ko at sisimulan ko uli magpa train sa speech coach ko kay @geography101 / Ryan Soto.
“Walang susuko sa pamilyang eto. Never Give up! Gising Herlene! its not too late! Everyday is a learning process.
“Thank you sa inyong lahat mga KaSquammy ko na andyan parin kayo para sa akin at yung taong nagtiwala at binigyan ako ng opportunity Sir Wilbert Tolentino / Wilbert Tolentino @sirwil75.”
***
SA isang panayam kay Jericho Rosales, sinagot niya ang bali-balita na hiwalay na sila ng misis na si Kim Jones.
Sabi ni Jericho,”People are entitled to think what they think. I mean, ano ang gagawin ko? Tatawa lang ako.
“But it’s okay, people are entitled to their own opinion, I’m really not that type of person na I really have to explain myself to anyone.
“What you see is what you get. As long as live in peace, in love and respect, yun na ang importante sa akin,” aniya pa.
Ayon pa kay Jericho, abala sila ngayon ng misis na si Kim sa collabs nila.
“During pandemic, she transitioned from fashion to directing. She’s also writing for scripts. She actually wrote one of my projects. She co-wrote it with me.
“She’s directing now. She just finished directing two videos, you’ll see it soon sa Instagram.
“Basically big fashion names, that’s what she does, gumawa ng short films for fashion brands for now,” paliwanag ni Jericho.