Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAIINTRIGA na naman si Paolo Contis dahil nababantayan siya ng mga Maritess dahil super busy na siya.
Meaning, marami na itong salapi na tsika na ang iniipon ay iniinvest na nito sa pagpapagawa ng dream house.
Bukod sa daily noontime show na Eat Bulaga ay balik taping na ito sa Bubble Gang at may 3 pa siyang gagawing movies.
Kaya tinatanong ng mga Maritess kung kaya pa ba niya.
Sagot naman ng kontrobersyal aktor “Kaya, kaya, kaya,” sey pa ni Paolo.
Time management nga marahil ang gagawin ni Paolo at naitanong din sa kanya kung may time pa ba siya kay Yen Santos na kanyang gf.
Meron naman daw at natutuwa ang TV host actor na napakaunawain ni Yen sa pagiging busy nito pero sa kabila noon ay may time pa rin ito sa syota.
Napansin ng mga Maritess na sa dami ng raket ni Paolo ay makapagsustento na raw sana ito sa kanyang mga anak.
***
SA nakaraang Q and A na sinalihan ng malakas ang loob at ambisyosang si Herlene Budol ay talagang maraming napanganga sa sagot nito sa Miss Grand International.
Dinog show niya raw ang sagot at kung anu-ano pang negatibong reaksyon ang natatanggap ni Herlene.
Viral naman sa Tiktok ang upload na pakiusap ni Harlene na huwag siya ibatikos bagkus ay tulungan siya.
Nag-sorry na si Herlene at mismo siya ay nahihiya rin daw sa kanyang naging sagot.
Pero may mga basher na ayaw pa rin tantanan si Herlene.
Patuloy itong ni-nega na ang IQ daw nito ay pang barangay lang na dapat dun na lang siya sumali.
Ang lakas at ang tapang daw ng loob nito at nag-Grand International pa.
Kaya ayun kahit Best in Swimsuit o Gown ay di nakopo ni Herlene.
Sa kabila ng mga intriga, nagbigay na ng pahayag si Herlene na last beauty pageant na niya ang Miss Grand International.
Well, well, well…’Yun na!