Advertisers

Advertisers

EX-PNP DIRECTORS ABSUELTO SA GRAFT

0 138

Advertisers

INABSWELTO ng Sandiganbayan ang dalawang dating Police Directors, 15 opisyal ng PNP, at isang pribadong indibidwal na may kinalaman sa maling paggamit ng P400-million para sa pagkukumpuni ng mga sasakyan.

Ibinasura ng Sandiganbayan ang mga kasong multiple malversation, graft, at violation of Procurement Law laban kina retired Police Directors Geary Barias, Eliseo dela Paz, at 15 iba pang police officials at isang Oscar Madamba ng Serpenair Group Inc. (SGI), dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.

Sa ipinalabas na 272-pahinang resolusyon ng Sandiganbayan, nakasaad sa alegasyon ng prosekusyon hinggil sa mga gulong, iba’t ibang suplay ng janitorial sa opisina, gayundin ang mga V-150 na piyesa at accessories na hindi naihatid sa kabila ng mga pagbabayad na ginawa sa mga supplier.



Ayon sa Sandiganbayan, hindi napatunayan ng prosekusyon ang mga sapat na ebidensya para sa kasong ‘malversation’ laban sa mga akusado.

“Dahil dito, hindi na kailangang talakayin pa ang pagkakaroon ng posibleng sabwatan sa pagitan ng mga akusado, dahil hindi parin mapapanagot ng Korte ang sinuman sa kanila sa ilalim ng nasabing batas” dagdag ng Sandiganbayan.

Inalis narin ng Sandiganbayan ang Hold Departure Orders laban sa mga akusado at iniutos na na ibalik ang kanilang binayad na cash bonds para sa kanilang pansamantalang kalayaan.