Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PARA kay Cristine Reyes, madi-describe niya ang boyfriend na si Marco Gumabao bilang perfect boyfriend.
Ito ang pahayag niya sa lie-detector challenge at panayam sa kanila ni Bea Alonzo sa bagong episode ng vlog ng Kapuso star.
Sabi ni Cristine, “Parang perfect boyfriend ito, e. Kasi si Marco, naiintindihan niya lahat. Parang hindi ako mapaniwala at his age.
“Super cute talaga. Tisoy, type ko, pero bagets. So ako, hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon. Talagang ang cute niya.”
Dalawang buwan na ang nakalilipas buhat nang aminin ni Marco sa pamamagitan ng isang Instagram post noong April 24, 2023, ang relasyon nila ni Cristine.
Nagulat daw si Cristine nang aminin ni Marco sa publiko ang kanilang relasyon noong April 2023.
“Itong si Marco kasi lagi siyang nagsu-surprise, and then yung Instagram post niya. Nagulat ako dun. Lagi niya akong ginugulat.”
Hindi raw inisip ni Cristine ang sasabihin ng mga tao sa pag-amin ni Marco.
“Hindi ko inisip yung tao. Natuwa ako sa gesture niya. On the floor talaga ako. Parang, wow, kinilig talaga ako.”
Nang itanong ni Bea kung selosa siya, “Nasa lugar ang pagseselos ko,” sagot ni Cristine.
Ayon pa kay Bea, nanginginig ang buong katawan niya kapag nakakaramdam ng selos.
“Nanginginig yung buong katawan ko. Saka kailangan talaga, wala ako sa work para mapag-usapan kaagad.
“Kasi kapag hindi napag-uusapan agad, affected ako and, sometimes, I decide emotionally, “ pag-amin ni Cristine.
Tinanong naman siya ni Marco ng “Do you see me as someone you will spend the rest of your life with?”
Sagot ni Cristine, “Puwede. Yes!”
***
NAKATUTUWA naman si Ice Seguerra dahil sabi niya, hindi siya maggi-guest sa mga programang katapat ng Eat Bulaga na host pa rin sina Tito, Vic and Joey na mapapanood na sa TV 5 simula sa July 1.
Ito’y bilang respeto niya sa TVJ at sa nasabing noontime show kung saan naging bahagi siya noong child star pa lamang siya.
At kahit sa It’s Showtime, na may mga kaibigan siyang hosts ay hindi niya raw magagawang mag-guest.