Advertisers

Advertisers

1 PULIS PATAY, 9 SUGATAN SA ‘WARRANTS’ OPS LABAN SA EX-VICE MAYOR SA SULU

0 161

Advertisers

NASAWI ang isang pulis, at sugatan ang siyam pang parak at sundalo sa engkwentro sa pagitan ng mga otoridad at dating Maimbung, Sulu Vice Mayor Pando Mudjasan sa paghahain ng search at warrant of arrest laban sa dating opisyal, Sabado ng umaga.

Ayon kay Armed Force of the Philippine Chief of Staff, General Andres Centino, ang hindi muna pinangalanang nasawing pulis ay nagtamo ng tama ng bala sa katawan. Habang nilalapatan na ng lunas sa ospital ang 8 pulis at 1 sundalong sugatan.

“After the incident, may mga na-report na naging casualties sa incident, in fact 2 of the seriously wounded PNP ay na-evacuate from Sulu to Zamboanga city thru our Air Force helicopter. They are now in the hospital sa Zamboanga city. All of the wounded from PNP side ang total is 8, at 1 rin passed away yesterday, meron din 1 sundalo from 41st IB merong slight wounds,” ayon kay Centino.



Sa report, 7:30 ng umaga nang magsagawa ng operation ang pinagsanib na mga elemento ng Special Action Force (SAF), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at 41st Infantry Battalion nang maka-engkwentro ang ‘di batid na bilang ng mga armadong grupo sa Barangay Bualo Lipid, Maimbung.

Base ang operasyon sa ipinalabas na Warrant of Arrest sa kasong Murder, at Search Warrants sa paglabag sa RA 10591 (Illegal possession of firearms) at RA 9516 (Illegal possession of explosives) laban kay Mudjasan.

Kasalukuyang pang tinutugis ng mga awtoridad ang mga tumakas na grupo ni Mudjasan.
Naniniwala si Centino na hindi pa nakakalayo ang grupo ni Mudjasan sa area ng Maimbung.

Kinumpirma ni Centino na dating commander ng Moro National Liberation Front (MNLF) si Mudjasan.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">