Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAGUGULUHAN ang netizens at takang-taka sa GMA-7 kung bakit pinapasok ang It’s Showtime sa nasabing kuwadra.
Naiintriga tuloy ang marami na alam naman daw ng Kapuso na meron silang blocktimer na Eat Bulaga ng TAPE Inc. na napapanood sa noontime sa GMA-7.
Ngayong papasok na ang It’s Showtime sa GTV na sister company ng GMA-7 ay noontime rin mawa-watch.
Kaya sabi ng netizens na mahahati na ang viewers na imbes solid lang sa Eat Bulaga ng TAPE Inc.
Nawala na nga raw ang haligi at poste ng EB na orig na TVJ kaya sumadsad na ito sa ratings at humataw na itong katapatan na It’s Showtime.
Ngayon, ang dating magkatapatan ay magsasma na sa isang network at maghahati na sila ng viewers.
Kaya kinakabog ang Jalosjos Brothers ay triple na sa pagpasok ng programa nina Vice Ganda sa Kapuso network at paparating pa ang programa ng TVJ sa July 1.
Ani pa ng netizens na dapat daw binigyan na lang ng ibang oras na di katapatan ng Eat Bulaga ng TAPE Inc.
***
HINDI itinanggi ni Bossing Vic Sotto na sumilip at napanood na niya ang mga bagong host ng new EB ng TAPE Inc.
Pero si Tito Sen ay never man lang daw ito sinilip or nanood.
Baka raw imbes matuwa ito ay maasar lang kaya di ito nag-attempt.
Kahit si Joey de Leon ay nagpakatotoo na sumilip din ito sa mga bagong host ng EB at okey lang sa TV host-comedian at inisip nito na trabaho lang ‘yun.
Pagbaling kay Vic ay nagpaka-true ito at sinabing napanood nito ang new EB.
Okey naman daw, “after 44 years ay gagaling din sila” sey pa ni Bossing Vic.
Napaisip ang netizens na may laman ang pinakawalan na pahayag ni Bossing Vic.
Dagdag pa ang di raw siya o sila papayag na kunin lang ng kung sino sino ang Eat Bulaga.
Well, well, well…Yun na!