Advertisers

Advertisers

PNP naghihintay pa sa warrant of arrest para madakip ang isa pang salarin sa Bundoquin slay

0 128

Advertisers

HINDI pa nadarakip ang nakatakas at natukoy na isa pang salarin sa pagpaslang sa brodkaster na si Cresenciano Bundoquin, na pinatay noong May 31 sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Brigadier General Red Maranan, naghihintay pa ang Philippine National Police (PNP) na maglabas ng arrest warrant ang korte upang madakip ang pinangalanang gunman na si Isabelo Bautista Jr., taga Bansud, Oriental Mindoro.

Matatandaang June 9 sinampahan ng kasong murder at attempted murder si Bautista.



Kung maalala, nasawi ang kasabwat ni Bautista sa krimen na si Narciso Guntan nang habulin ito ng anak ni Bundoquin at mahulog sa motorsiklo’t nabagok ang ulo.