Advertisers

Advertisers

Pinakamahusay na local swimmers tampok sa 5th Anniversary Meet ng SLP

0 186

Advertisers

TAMPOK ang pinakamahuhusay na local swimmers mula sa iba’t ibang swimming clubs sa bansa sa ilalargang 5th Anniversary Meet ng Swim League Philippines ngayong weekend (Hunyo 24-25) sa bagong bukas na Muntinlupa Aquatic Center sa Muntinlupa City.

Ayon kay SLP president Fred Galang na may 700 kabataan mula sa 30 SLP-affiliated swimming club ang kompirmadong sasabak sa torneo na may temang ‘United We Swim’ sa pagtataguyod ng Allied Pharmaceutical’s Symdex-D , Phillius Realty, Behrouz Restaurant, Jamila Aesthetics at Basic Dots Printing.

“Well represented ang ating anniversay meet mula sa mga affiliated teams natin sa Luzon, Visayas and Mindanao. Kasali rin ang ating mga swimmers na nakabase sa abroad, mga aetas at mga estudyante mula sa public schools. May hiwalay ding special categories ang ating mga kapatid sa LGBTQ, Indegenous people, Masters mula sa PNP at Army,” pahayag ni Ancheta kinatawan ng National Capital Region (NCR) sa bagong bihis na Philippine Swimming Inc.



Inanyayahan bilang panauhin sa programa na magsisimula ganap na 7:00 ng umaga sina PSI president Miko Vargas, PSI secretary general at Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) Founder Rep. Eric Buhain, Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon at si dating Senador Manny Pacquiao na naitalaga kamakailan bilang honorary chairman ng SLP.

Iginiit ni Ancheta na ang torneo ay bahagi ng masinsin na national selection na ginagawa ng SLP para makapili ng mga swimmers na isinasabak sa mga invitational at school-based swimming competition sa abroad.

“Naging motivation na namin para sa mas mabilis na development ng mga batang swimmers yung maisalai sila sa mga torneo sa abroad. Yung karanasan nila doon ay talagang nagagamit nila once na sumali na sila sa mas mataas na level ng kompetisyon dito sa Pilipinas at sa abroad,” ayon kay Ancheta.

Kabilang ang tinaguriang ‘Water Beast’ na si multi-medalist Jasmine Mojdeh, Vietnam-based siblings Heather, Hannah at Reuben White at national junior record holder Jamesray Ajido sa produkto ng walang humpay na grassroots sports program ng SLP.

Naghihintay ang mga ispesyal na parangal sa mga mangungunang swimmers sa kani-kanilang age group event sa torneo itinataguyod in ng Solid Swimming Coaches Association of the Philippines (SSCAP), The Central Northern Luzon CAR Swimming Coaches Association (CNLCSCA), The Swimming Federation, Philippine Life Saving, Green Earth Movement, TOPS, TVC Channel 8, Piko Pinoy TV, Sports Guild of the Philippines, Bombo Radyo, Swim Meet Results, Sports Lockdown, Neptune Actives, Decathlon, Splash and Dash, FINIS Philippines, Go Swim, Amanzi, Klean Athlete, Mad Wave Philippines, Yingfa Pilipinas, TYR Philippines, Langoy Pilipinas, at Divine Works.