Advertisers
UMAASA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magiging inspirasyon sa lahat ang mga nagawa ng mga taga-Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang pahayag ay ginawa ni PBBM nang pangunahan ang paggagawad ng parangal sa mga natatanging kasapi ng DPWH sa ika-125 taon anibersaryo ng ahensya.
Sa kanyang talumpati, binigyang diin ng Pangulo na kumpiyansa siyang paaalabin pa nila ang paglilingkod sa bayan at pumanday ng legasiya para sa kapakanan ng mga Pilipino.
Maliban dito, sinabi rin ng Presidente na umaasa siya na patuloy na sasandal ang mga taga-DPWH sa kanilang mandato at manatiling nakatuon sa pagtupad sa 8-point socio economic agenda ng administrasyon sa pamamagitan nang pagbuo at pagtapos ng mga mahahalagang infra projects sa itinakdang panahon at pondo.
Kasabay nito, hinamon din ni PBBM ang DPWH na pinamumunuan ni Sec. Manuel Bonoan na patuloy na paikliin ang mga proseso, magpatupad ng transparency measures, at iwasang maantala ang lahat ng mga proyekto at transaksiyon sa gobyerno. (Gilbert Perdez)