Advertisers

Advertisers

PAO TINABLA MGA NBI SECURITY NA KASAMA SA PAG-GOODTIME SA LABAS NG HIGH-PROFILE INMATE!

0 177

Advertisers

TUMANGGI ang Public Attorneys Office (PAO) na asistihan ang National Bureau of Investigation (NBI) security officers na inaakusahang pinalalabas ng kulungan ang high-profile inmate na si “Jad” Dera sa pagkakasa ng ‘extrajudicial confessions’, ayon kay Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary at Spokesperson Jose Dominic Clavano.

“We were having difficulty getting the statements dahil dun sa ginawang order ng PAO na bawal na mag-assist ang public attorneys dahil magkakaron daw ng conflict of interest,” aniya.

Mayo 22, 2023 nilagdaan ni Deputy Chief Public Attorney Silvestre A. Mosing ang memorandum circular kungsaan nakasaad na hindi na aasistihan ng PAO lawyers sa extrajudicial confession ng naarestong indbidwal o persons deprived of liberty (PDL).



Ito ay matapos madawit ang PAO lawyers sa kontrobersiya ng pagbawi ng testimonya ng government witnesses, gaya ni Rafael Ragos, ang testigo ng pamahalaan laban sa nakaditineng si dating Senador Leila de Lima.

Binawi niya ang kanyang salaysay at sinabing pinilit lamang siya lumagda sa isang ready-made statement.

Sinabi ni Ragos na saksi sa pangyayari ang isang abogado ng PAO nang pilitin siyang pumirma sa affidavit.

Samantala, kamakailan lamang ay binawi rin ng 10 akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ang kanilang testimonya at sinabing tinorture sila upang umaming sangkot sa krimen.

Inasistihan sila ng mga abogado ng PAO nang maglabas ng recanted affidavit.



Sinamahan ng anim na NBI security officers si Dera nitong Martes ng gabi sa labas ng detention at bumalik sa pasilidad Miyerkules ng hatinggabi, kungsaan sila inaresto.

Si Dera ay co-accused ni De Lima sa drug case sa Muntinlupa Court. Subalit sinabi ni Clavano na si Dera ay may iba pang kaso.

Sinabi ni Clavano na sumangguni sila ng tulong sa Integrated Bar of the Philippines (IBP). Subalit sinabi ng IBP na kailangan nila ng sertipikasyon mula sa PAO na nagsasaad na hindi nila maaasistihan ang NBI security officers.

“I am looking to reach out to PAO to seek their help again in this case. We hope that they can reconsider this order so that this case can move on,” pahayag niya.

Sinamahan ni Atty. Mark Anthony Te, abogado ni Dera, ang anim na NBI security officers sa inquest nitong Huwebes.

Nakatakda ang preliminary investigation sa Hulyo 29.