Advertisers

Advertisers

PAIHI, BOOKIES, PERGALAN, LOGGING SA QUEZON KUNSINTE NINA GOV. TAN AT CIDG?

0 1,080

Advertisers

ANG Quezon ay isang probinsya sa Region 4-A CALABARZON na ngayo’y sikat na sikat na pinag-uusapan, hindi para sa kapurihan ni Gov. Helen Tan at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Office, kundi ang kahinaan ng kanilang pamumuno para mapabuti ang peace in order sa naturang lalawigan?

Ang rehiyong ito na kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Batangas at Rizal, ang Quezon Province ay maituturing na problem area dahil sa peace in order dulot ng lumalala at di mahinto-hintong iligal na aktibidades na sanhi ng tumataas na crime rate sa nasabing probinsya.

Ang kaliwa’t-kanang insidente ng kriminalidad sa Quezon ay isinisisi sa namamayagpag na operasyon ng paihi (oil and petroleum product pilferage) Small Town Lottery (STL)-con jueteng o bookies, pergalan (perya na sugalan na may color game at iba pang uri ng bawal na sugal) at illegal logging.



Ang paihi, STL bookies, pergalan at illegal logging na sinasabayan pa ng iligal na pagmimina at quarrying ay mga labag sa batas na gawain na pinagbubuwisan ng buhay ng mga nasa likod nito dahil sa milyones na kita kaya hindi maiwasan ang nangyayaring kaguluhan hindi lamang sa mga operator nito kundi damay din ang mga personahe ng paihi, bookies, at illegal logging, ganon din ang mga mananaya sa pergalan.

Isang impormasyon na natanggap ng SIKRETA na dapat na silipin ni Philippine National Police Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ay ang mapananaligang ulat na ilan sa mga financier ng kailigalang ito, partikular ang STL bookies, pergalan at paihi ay pinasok na rin ang illegal drug bilang dagdag kita sa napakataas na lagay o kilala sa tawag na intelhencia na kinokolekta ng mga kolek-tong o “kapustahan” (police tong collector).

Ang mga iligal na ito- paihi, STl bookies, pergalan at illegal logging ang dahilan-ayon sa datus sa Camp Crame, kaya bagsak ang peace in order sa lalawigan ng Quezon, pero tila bulag, pipi at bingi sa sumbong, reklamo at daing ng mga residente at hindi umaaksyon o ayaw umaksyon sina Gobernador Helen Tan at CIDG Provincial Officer LtCol. Jeffrey Faller?

Anong meron sina Paihi King alyas Sammy ng Brgy. San Luis ng bayan ng Guinyangan, Paihi Queen Lanie ng Brgy. Malabanban Sur ng Candelaria at di ang mga ito masawata ng governor at LtCol. Faller?

Untouchbale din ang pasingaw at paihi operation nina Amigo sa Brgy. Malabanban Sur malapit sa Crossing Rotonda sa munisipalidad ng Candelaria at Bong sa Brgy. Isabang, Lucena City.



Bagyo sina Lanie, alyas Sammy, Amigo at Bong pagkat anila ay may go-signal sila mula sa kolek-tong na retired pulis na si alyas PO2 Hamilia at ang aktibong pulis na sina alyas Anus at Sebastian. Ang tatlo ay pawang nagpapakilalang mga bagman din ng isang PNP top brass at maging ng tanggapan ni Quezon CIDG.

Tiyak na hindi alam ni Gov. Tan na maging ang kanyang pangalan ay ipinangongolekta din ng mga damuhong kolekt-tong “kapustahan” hindi lamang sa mga naturang paihi kundi maging sa mga STL bookies operator na sina David-Brgy. 4; Sata at Bingot- kapwa ng Brgy. Market View; Jumbo-Brgy. Dalahican; Panis-Brgy. Talim at Alcala-Brgy. Cotta, pawang ng Lucena City; Fando ng Catanauan at Sariaya; Boss Ejay ng Sariaya; Rayman ng Tagkawayan; Isla ng Gen Nakar at Banong ng Dolores at Tiaong at iba pang pansamatalang di pinangalanan.

Dahil hindi nagagawa ang responsibilidad at mandato bilang mga pinuno at tagapamahala ng Quezon Province at ng kapulisan, hindi masisisi ang mga Quezonean kung pagdudahan sina Gov. Tan at LtCol. Faller na kinukunsinte nila ang lantarang operasyon ng paihi, STL bookies, pergalan at illegal logging sa bahaging ito ng Region 4-A?

LANTARANG PERGALAN AT ILLEGAL LOGGER SA QUEZON
SINA alyas Ajie ay nag-ooperate ng mga kunyari ay tradisyunal na peryahan sa mga bayan ng Mauban, Calauag at Guinyangan, samantalang ang isang alyas Josie ay sa mga munisipalidad ng Mulanay at Unisan; ngunit ang totoo ay ang mga ino-operate nila ay pasugal lamang na color games, beto-beto, drop balls, sakla, iba pang mga sugal at maging bentahan ng shabu na dinudumog ng mga nalulong sa bisyong mga Quezonian.

Ang iba pang pergalan con drug operator ay sina alyas Alex sa bayan ng Dolores; Lyn ng Sariaya; Lex sa mga bayan ng Polilio; Otso ng Infanta, Boboy ng Real at Penny ng Alabat.

Kahit pa nga sa paningin ng mamamayan ay prente lamang ng bentahan ng droga ay patuloy naman nakapag-ooperate ang mga pergalan (perya at sugalan) sa mga nabanggit na siyudad at bayan ngunit tila di alintana naman na di kumikilos ang mga hepe doon ng kapulisan.

Kada kinsenas naman ay tig Php 2,000 ang kinikikil ng grupo ng nagpupulis-pulisan na sina Alyas PO2 Halia sa 160 “magkakahoy” o mga illegal logger kung kaya’t talamak ang operasyon ng mga ito bagamat nasa “tungki “lamang ng ilong ng mga opisina ng Governor at CIDG. Sa mga susunod na pitak papangalanan ang mga naturang illegal logger.

LOTENG LORD SA NAVOTAS IPINANGANGALANDAKAN SI COL. ALAN UMIPIG?
Ang dahilan pala kaya ayaw kantiin ni Police Chief Col. Alan Umipig ang hayagang operasyon ng Loteng, EZ2 at Pick3 ni alyas Jode sa Navotas ay ipinagyayabang ng nasabing gambling operator na bagyo daw ang lakas nito kay colonel kaya nga tinataguriang Loteng Lord ng Brgy. Sipac-Almacin ng lungsod ni Mayor John Rey Tingco at Congressman Toby Tiangco?

Personalmente ay hindi naniniwala ang inyong lingkod na hindi kaya ni Col. Umipig na sawatain si alyas Jode at hindi din natin kinakagat ang ulat na tumatanggap ng intelhencia o suhol ang matikas na colonel, lamang ay kailangang patunayan nito na mali ang haka-haka at pagdududa ng mga Navotenos?

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.