Advertisers

Advertisers

Paalala sa taxi drivers; at ang mga peke at basura ng online stores…

0 194

Advertisers

NITONG Miyerkoles, Hunyo 21, isang taxi driver ang binaril matapos niyang hintuan at tanggihan ang pumarang pasahero na isang senior citizen sa Quezon City.

May problema rin dito ang taxi driver. Oo! May polisiya ang Land Trasportation Franchising and Regulatory Board (TFRB) na hindi maaring tanggihan ng taxi driver ang pasahero kapag ito’y kanya nang hinintuan.

Kung ayaw ng taxi driver magsakay ng pasahero, hindi na dapat hintuan ang pumapara. Bawal ang mamili ng pasahero, sabi ng LTFRB.



Kaya nabaril ng lalaking pasaherong 64 anyos ang taxi driver ay dahil hinintuan n’ya ito, tapos tinanggihan isakay (siguro dahil niya ruta ang pupuntahan ng pasahero).

Sa sama ng loob ng pasahero pinokpok niya ang taxi. Nagalit ang driver, lumabas ng taxi at sinugod ang pasahero. Eh may baril pala ang matanda, pinutukan ang driver. Masuwerte lang at hindi ito napuruhan.

Lisensiyado naman daw ang baril ng pasahero, sabi ng pulisya. Pero swak parin siya sa kasong ‘frustrated homicide’ which is bailable crime. Tingin ko naman ay mauwi lang ito sa ayusan. Oo! Mostly sa ganitong kaso, sasagutin ng salarin ang gastos sa pagpagamot ng driver, babayaran ang mga araw ng hindi nito pagtatrabaho at bayad sa abogado.

At malamang na masuspinde rin ang lisensiya ng taxi driver, damay pati ang franchise ng taxi operator dahil nga sa naging gawi ng driver na tumanggi isakay ang pasahero matapos itong hintuan.

Kaya paalala natin sa taxi drivers: Kung hindi na kayo magsasakay ng pasahero, huwag nang hintuan ang mga pumapara. Period!



***

Tama ang panukala ng isang mambabatas sa House of Representatives laban sa talamak na scam ng maraming online stores.

Hirit ng mambabatas, kailangan buksan sa harap ng delivery rider o courier ang inorder ng consumer para malaman kung ito nga ang kanyang binibili bago bayaran. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan na ang delivery ng mga peke na produkto o basura.

Marami na kasing reklamo na ang nabili nila sa online ay pekeng produkto ang diniliber, minsan pa nga ay basura o bato.

Ako mismo ay dalawang beses napeke sa pag-order ko sa online. Umorder ako ng kutsilyo na nagkakahalaga ng P1,400. Ang dumating kutsilyong tig-P100 sa bangketa ng Divisoria.

Yung misis ko, dalawang beses narin nadilibiran ng basurang bag at kurtina.

Kaya tama lang na protektahan din ang consumers laban sa online stores na scammer! Let’s do it, Congressmen!!!