Advertisers
APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P5.768 trilyong panukalang budget para sa taong 2024.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, mas mataas ito ng 9.5 percent kumpara sa kasalukuyang budget na P5.268 trilyon.
Ani Pangandaman, patuloy na bibigyang prayoridad ni Pangulong Marcos ang mga programa para sa economic growth ng bansa.
Nakapaloob aniya ito sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 at 8-point socioeconomic agenda.
Ayon kay Pangandaman, nasa P5.90 trilyong budget ang natanggap na panukalang budget ng DBM. (Vanz Fernandez)