Advertisers

Advertisers

Mandato ng DOF para taasan ng buwis ang junk food at sweetened beverages, aprubado sa AnaKalusugan Party-List

0 223

Advertisers

“Great minds really think alike. This admin push is also a bill we filed last March 7, 2023 as House Bill No. 7485.”

ITO ang naging obserbasyon ni Anakalusugan Partylist Representative Ray T. Reyes kaugnay ng mungkahi ng Department of Finance (DOF) na taasan ng pagpataw ng buwis para sa mga junk food at sweetened beverages upang matugunan ang mga nakukuhang sakit dahil sa hindi wastong pagkain o poor diet.

Layunin ng House Bill No. 7485 na taasan ng excise tax ang mga sugar-sweetened beverages ay upang mapigil ang pagkonsumo ng sugary beverages at taasan ang pagpataw ng buwis sa intension na mapopndohan ang implementasyon ng Republic Act No. 11223 o mas kilala sa tinatawag na Universal Health Care Act.



Ang panukalang Reyes bill ay upang maamyendahan ang Section 150-B ng National Internal Revenue Code, tulad ng mga sumusunod: “SEC. 150-B. Sweetened Beverages. – (A) (1) A tax of eight pesos (P8.00) per liter of volume capacity shall be levied, assessed and collected on sweetened beverages using purely caloric sweeteners, and purely non-caloric sweeteners, or a mix of caloric and non-caloric sweeteners.

Kung sakali mang maaprubahan ang bagong tax rate, ito ay hindi daw mai-aaply sa mga sweetened beverages na gumagamit ng high fructose corn syrup at liban naman dito ang sweetened beverages na gumagamit ng purely coconut sap sugar at purely steviol glycosides.

Mahalaga raw ito para sa mungkahing taas buwis ng hanggang “FIFTEEN pesos (P15.00) per liter para sa volume capacity na ipapataw ay dapat munang i-assessed bago pa kolektahin sa mga sweetened beverages na gumagamit ng purely high fructose corn syrup o sa mga kombinasyong na may caloric o non-caloric sweetener.”

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na simula nitong buwan ng Enero hanggang Disyembre 2020, ang sakit na diabetes ay nasa ika-apat na antas umano sa hanay ng mga pangunahing karamdaman na nagdudulot ng kamatayan sa Pilipinas dahil sa mataas na konsumo ng highly processed foods at sugary beverages.

“This bill seeks to advance health equity by generating revenue for the government, which is proposed to finance the implementation of the Universal Health Care Act,” ani Rep.Reyes.



Kompiyansa si Rep. Reyes na ang karagdagang pondo na makukuha mula sa nasabing hakbang ay magbibigay daan aniya para sa layunin ng Universal Health Care Act na maitaguyod ang mga Filipino para sa kanilang karapatan sa kalusugan, equitable access para sa kalidad at abot kayang gastusin sa pagpapagamot at para sa kanilang matiwasay na pamumuhay.