Advertisers

Advertisers

Higit 60 batang cleft lip/palate naibalik ang ngiti

0 370

Advertisers

Sa tulong ng Sta. Ana Hospital at Operation Smile, isang international medical organization, ang Rotary Club of Manila ay muling nakapagbigay ng ngiti sa ilang mga batang may kapansanan sa isinagawang cleft lip/palate surgery sa naturang ospital.



Sa press conference na ginanap sa Sta. Ana Hospital, sinabi ni Rotary Club Manila President Hermy Esguerra na layon ng kanilang Cleft Surgery mission 2023 na maibalik ang ngiti ng mga bata.

Nakipagtulongan ang organisasyon sa mga local hospitals at healthcare professionals upang makapagbigay ng kumprehinsibong pangangalaga kabilang ang pre at post operative evaluations, surgery, at follow-up case.

Ayon naman kay Operation Smile Executive Director Emiliano Romano, hindi lamang sa Maynila gagawin ang kanilang proyekto kundi maging sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Esguerra na mayroon pang 12 slots na pwede nilang matulungan at maoperahan.

Nanawagan na rin ito sa mga magulang na may anak na may cleft lip o cleft palete na makipag-ugnayan sa Operation Smile Philippines upang maisailalim sila sa proseso.

Ayon kay Esguerra, makipag-ugnayan lamang sa Facebook page ng Operation Smile ang mga magulang na nais maging benispisyaryo ng naturang proyekto.

“These projects not only address the physical and functional aspects of cleft lip and palate deformities, but also the social and emotional impacts of these conditions on affected individuals and their families. They also contribute to the overall improvement of maternal and child health in the Philippines by providing access to high-quality medical care and support services for affected individuals,” pahayag ng organisasyon. (Jocelyn Domenden)