Advertisers
MAARING ideklara na ang simula ng El Niño sa susunod na linggo ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Magugunita na noong nakaraang buwan, itinaas na ng PAGASA ang El Niño Alert status dahil inaasahan na ngayong Hunyo ang weather phenomenon.
Kapag may El Niño, na idinudulot ng pag-init ng ibabaw ng Central at Eastern Pacific Ocean, maaring magkaroon ng sinasabing “below-normal rainfall conditions,” na makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa.
Maaring makaranas naman ng matinding tag-tuyot ang ilang bahagi ng bansa, partikular na sa timog at silangan.
Samantalang ang malakas na pag-ulan ay maaring maranasan sa hilagang bahagi ng Pilipinas.