Advertisers
UMABOT na sa 487 “most wanted persons” ang nadakip ng mga operatiba ng PNP CALABARZON sa kampanya nito laban sa mga pinaghahanap ng batas, ulat ni PRO CALABARZON Regional Director, Brigadier General Carlito M. Gaces.
Ayon kay Gaces, sa 487 na naaresto, 127 sa mga ito ay nakatala bilang Regional Level Most Wanted Persons habang ang 170 iay nakatala bilang MWPs Provincial Level.
Nadakip ang mga ito sa operasyon ng pulisya mula Abril 23 – Hunyo 22 ng taon.
Ang mga nadakip ay may mga kinakaharap na kasong murder, homicide, rape, theft, robbery, kidnapping at iba pang malalaking krimen.
Sa mga naaresto, 28 ang may kasong murder cases, 66 nahaharap sa rape na matagal nang pinaghahanap at kinonsiderang most wanted sa rehiyon.
Pinuri ni Gaces ang kanyang mga pulis sa matagumpay na kampanya sa pagdakip sa Most Wanted Persons in the region. “I want to congratulate the operatives behind this great accomplishment. Let us sustain our aggressive and honest law enforcement operations and community engagement. Rest assured that under my leadership these criminals will be put behind bars.”