Advertisers

Advertisers

TMFF matagumpay na nairaos

0 167

Advertisers

MATAGUMPAY na naisagawa ang unang The Manila Film Festival (TMFF) na pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna at VIce Mayor Yul Servo.
May limang entries ang kasalukuyan pa ring pinalalabas sa mga sinehan sa lungsod at magtatapos ito sa Hunyo 24 na Araw ng Maynila.
Bahagi rin ng pagdiriwang ang film producer at isa sa mga organizer ng TMFF na si Ms. Edith Fider.
Dinadagsa ngayon ang mga pelikulang kasali sa TMFF gaya ng crime-thriller Unspoken, psychological horror The Uncanny, comedy The Adventures of Kween Jhonabelle, love story-advocacy Thanks for the Broken Heart, at psychological thriller CTRL-F-ESC.
Umabot ng 300 entries ang nagsumite ng kanilang mga entries sa filmfest at lima ang nakuha na pinagkalooban ng P300,000-500,000.
Tsinika naman ni VM Yul na may mahalagang partisipasyon daw siya sa pelikulang CTRL-F-ESC na siya na ring comeback niya sa pelikula.
Matagal-tagal na rin umanong hindi nakagawa ng pelikula si Bise sa pagiging abala sa kanyang mga gawain sa pamahalaang lokal ng Maynila.
Sey pa ni Yul, nanibago at nangapa anya siya sa unang pagsalang sa kamera pero nairaos niya rin ito nang maayos.
“Kahit sabihing award-winning ka, para kang lapis na pumupurol kaya kailangang tasahan pag gagamitin na,” anya actor-politician.
Idinagdag pa ni Vice Yul na may inalok daw na movie sa kanya si Ms. Edith at naibigan daw niya ito kaya umaasa siyang matutuloy ito.
Excited na rin anya siyang matuloy ang planong pagsasamahan nila muling proyekto ng Superstar na si Nora Aunor. Kung dati ay nakatambal niya ang actress sa Naglalayag, sa bago raw nilang gagawin ay gaganap itong nanay niya.
Samantala, natapos na rin ang The Manila Film Festival Awards Night na idinaos sa Metropolitan Theater nitong nakalipas na June 19.
Namahagi ang City Government of Manila ng cash prizes sa mga nanalo sa nasabing parangal.
Tinanghal na Best Picture ang The Adventures of Kween Jhonabelle, Best Actor si Kych Minemoto sa pelikulang CTRL-F-ESC, Best Actress naman si Larizze Jason Eco ng The Adventures of Kween Jhonabelle
Best Supporting Actress-Lotlot Bustamante, Unspoken; Best Supporting Actor-Kian Co, The Adventures…; Best Director- Carlo James Buan, The Adventures…
(Blessie K. Cirera)